h1

Binibining Pilipinas 2010 Hot Picks

March 3, 2010

“Isang babaeng nagmamahal sa Diyos, sa bayan at sa kapwa…iyan ang tunay na gandang Pilipina”

Binibining Pilipinas 2010 Candidates

Ipinalabas noong February 28 ang pre-pageant ng Binibining Pilipinas 2010. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinalabas sa telebisyon ang pre-pageant ng Binibining Pilipinas.

Isa itong magandang pagkakataon para sa mga manonood at beauty pageant fanatics na makilala ang mga kandidata at pumili ng sa tingin nila ay magwawagi ngayong taong ito.

Sina Drew Arellano, Rhian Ramos at Jay-R ang naghost ng pre-pageant.  Sina Claudine Barretto, Mike Enriquez, Wilma Galvante at ang basketball player na si Gabe Norwood  ang mga judges.

Sa unang bahagi, lumabas ang mga kandidata na suot ang Philippine Terno na ginawa ng mga batikan at magagaling na designers sa bansa.  Hindi lang ako nagandahan sa ginamit nilang background music na “I Got A Feeling” ng Blackeyed Peas. Siguro ay ginaya nila ang opening number ng Miss Universe kung saan nakasuot ng National Costume ang mga candidates. Pero kung naka-Philippine Terno naman lahat parang hindi naman bagay.

Namangha ako sa Swimsuit Competition.  Iba na talaga ang mga candidates ngayon. Talagang nagpapaganda ng katawan para sa pageant.  Pinaghahandaan talaga ang Binibining Pilipinas. Nagandahan din ako sa sinuot nilang metallic dark silver na two-piece bikini.

Hindi naman ako masyadong natuwa sa Evening Gown Competition. Sinuot na naman nila ang signature Pink/Red Cumbia Gowns ng Binibining Pilipinas. Yung ibang gowns parang nakita ko na at yung iba ay hindi mukhang Evening Gowns. At ang iba pa nga ay hindi bagay sa ibang kandidata. Sana sa susunod na mga taon ay buksan ang Binibining Pilipinas para sa mga designers na Pinoy na talaga namang hindi matatawaran ang galing.

Masyado din silang nagmamadali sa mga pagtawag sa mga candidates. Hindi ko alam kung tama pa ang naging pag-iiskor ng mga judges. Maganda yung mabilis pero hindi naman ganon kabilis. Sana hinabaan pa nila ang runway. Hindi din naexplain kung ano ang criteria for judging. Sana din mag-improve pa sila sa kanilang paglakad. Para kasi silang model maglakad na ibang-iba naman sa paglakad sa mga beauty pageants. Kulang pa sila sa confidence.

Inannounce na din ang ibang mga special awards at ito ay ang mga sumusunod:

Best in Philippine Terno – #10 Maria Venus Raj

Miss Talent – #11 Krista Arrieta Kleiner

Miss Friendship (tie) #10 Maria Venus Raj & #19 Kate Princess Alimurong

Napili ko na din ang aking Hot Picks for this year’s pageant:

Bb. Pilipinas World – #18 Helen Nicolette Henson

This girl is really pretty. Refreshing ang dating pag tinitingnan mo ang mga pictures n’ya. Nakasmile man o hindi…sobrang pretty s’ya.  Iba talaga ang ganda ng mga Kapampangan katulad nina Melanie Marquez (Miss International 1979) at Abbygale Arenas (Miss Universe 1997 Miss Photogenic). At maganda ang attitude ni Nicolette. Kulang lang ng konti pang confidence lalo na sa paglakad. Sweet girl s’ya kasi nagrereply s’ya lagi sa akin sa Twitter.

Bb. Pilipinas Universe – #13 Gwendoline Gaelle Ruais

Early favorite talaga s’ya. Nasa kanya na daw lahat-ang height, looks, ganda at galing sa paglakad. Ito pa naman ang hinahanap sa Miss Universe.  Dun sa ibang pictures nagmumukha pa siyang Latina. Kaso may pagkakataon naman na masculine siyang tingnan. Pero I’m sure na maiimprove pa ang looks n’ya pag pinadala na s’ya sa Colombia for training.

Bb. Pilipinas International – #14 Mary Ann Ross Misa

I love this girl! Very fresh and beautiful. Para na s’yang pageant veteran kahit ito ang first time n’yang sumali sa beauty pageant. Her greatest asset is her hair. Pwedeng model sa isang shampoo commercial. Kelangan lang n’yang sumubok ng ibang looks para hindi s’ya magmukhang nakakasawa.

1st Runner-up – #10 Maria Venus Raj

Maganda si Venus. Maganda ang poise and bearing n’ya. Kaso parang overrated naman s’ya. Parang hindi kasi s’ya bagay sa mga international pageants ngayon. Siguro noong 80’s or 70’s katulad n’ya ang hinahanap. Pero ngayon parang hindi na.  Matured-looking kasi s’ya taliwas sa gusto ng mga international pageants na fresh faces. Para sa akin ok na kung 1st Runner-up s’ya o di kaya sumali s’ya muli sa Miss Philippines-Earth. Baka sa Miss Earth may pag-asa s’ya. Pero who knows? Favorite s’ya ng madaming beauty pageant aficionados. Sana lang maging maswerte s’ya sa coronation night.

2nd Runner-up – #8 Anna Marie Morelos

Maganda s’ya…no doubt! Pero sa taong ito madami ding magaganda at parang natatabunan s’ya. Ok na siguro yung karanasan n’ya sa Mutya ng Pilipinas at Miss Tourism International sa Malaysia. Try n’ya din sa Miss Philippines-Earth.

Top 6-10: #4 Selena Alexis Antonio, #16 Toni Alyessa Hipolito, #21 Czarina Catherine Gatbonton, #5 Yasmin Nicole Kaufmann, #11 Krista Arrieta Kleiner

Bubbling-up: #22 Diane Elaine Necio, #12 Reina Mae Maerina, #6 Patricia Lae Ejercitado, #1 Mariella Castillo, #7 Laurese Ann Caparas

Ang Grand Coronation Night ng Binibining Pilipinas 2010 ay gaganapin sa March 6 (Sabado), 8:00PM sa Araneta Coliseum. Ipapalabas ito sa GMA7 bandang 10:00PM sa parehong araw.

Sa mga gustong manood ng live sa Araneta Coliseum, ang mga presyo ng tickets ay ang sumusunod:

Patron VIP (Reserved Seating) – P5280

Patron (Reserved Seating) – P1320

Lower Box (Reserved Seating) – P1320

Upper Box A – P640

Upper Box B – P320

General Admission – P110

Maaaring ding magpareserve ng tickets sa www.ticketnet.com.ph.

Best of luck to all the girls!

One comment

  1. […] lamang mula sa Top 10 Hot Picks ko ang nakapasok. Please see my previous blog. Nanghinayang tuloy kina Selena Antonio, Nicole Kaufmann, Toni Alyessa Hipolito (na nakasama sa top […]



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: