h1

Kaibigan

March 1, 2010

“Ang tunay na kaibigan ay naiintindihan ang iyong nakaraan, naniniwala sa iyong kinabukasan at tatanggapin ka kahit ano ka man…”

Mahigit sa sampung taong pagkakaibigan ang nagbibigkis sa aming barkada. Madami na akong nakilala at naging kaibigan. Pero iba pa din talaga ang pagkakaibigang nabuo noong high school kung saan apat na taon kayong magkakasama. Apat na taong nagkikiligan sa tuwing nakikita ang crush. Apat na taong nagkokopyahan kapag exams. Apat na taong nagsasabihan ng mga lihim at problema. Apat na taong magkakampi sa mga oras na may kaaway ka. Apat na taong magkaibigan sa saya at lungkot, sa hirap at ginhawa, sa halakhak at luha. At pagkatapos ng apat na taon, ay tuwang-tuwa kapag nagkikita-kita at masayang pinag-uusapan ang nakaraan.

Isa sa pinakamalungkot na bahagi ng buhay ay ang pagtatapos ng high school dahil iniisip mong pagdating sa kolehiyo ay magkakahiwalay na kayo sapagkat papasok na kayo sa iba’t ibang paaralan, kukuha ng iba’t ibang kurso at makakakilala ng iba’t ibang kaibigan.

Pero para sa akin, ito talaga ang sukatan ng tunay na pagkakaibigan. Yung bang kahit ilang taon kayong hindi nagkikita ay barkada n’yo pa din ang inyong babalik-balikan. Mas masarap kasing tumawa kapag ang katawanan mo ay ang iyong mga tunay na kabarkada. Yung tipong maiintidahan lahat ng punchlines mo kahit ang iba ay hindi naman talaga nakakatawa. Yung bang sasabihin sa’yo ang mga mali sa’yo pero hindi ka masasaktan. Yung tipong sasabihan ka na tanga ka pero ayos lang sa’yo.

Sabi ko nga dati sa mga kaibigan ko, hindi ako natatakot na hindi magkaroon ng pamilya dahil alam ko naman na pagtanda namin ay magkakasama pa din kami at hindi mag-iiwanan. Kaya kahit hindi ako magkaroon ng pamilya…hindi ako mag-iisa dahil makakasama ko sila…ang aking mga kaibigan.

Alam kong madami pa akong makikilala. Madami pa akong magiging kaibigan. Madami pa akong makakasama sa inuman. Madami pa akong makakasama sa gimikan. Madami pa akong makakasama sa mall. Madami pa akong tatawanan. Madami pa akong iiyakan. Pero iisa pa din ang aking tunay na barkada.

Friends forever!

6 comments

  1. ay natats naman ako sa post na to..,
    last feb20 kase may get-together barkada ko from h/s pero dahil nandito ako sa disyerto.., wala chance makasama.., and that is one opportunity na talagang nalungkot ako na na-miss ko. kahit saan kase tayo makarating kahit ano pa man.., lagi natin babalikan ang lahat ng mga taong nagpasaya, nagpaiyak, nagpakopya, nakipag-inuman at tumatak sa tin along the way of life…
    at sabi nga “iba na ang may pinagsamahan”.


  2. salamat lee mi! nagkaroon din kami ng get-together last february 28 ng aking hs barkada and that inspired me to write this blog. Umuwi kasi yung isa namin friend from dubai…and we we’re talking like parang kahapon lang ang hs. saya!


  3. high school talaga ang the best…dito kasi naroon ang lahat ng mga first best and first worst ng kamulatan ng tao…hehehe!

    cheers sa highschool friendship mo!!!


    • thanks duking! hindi rin nawawala na mag-aaway kayo..pero in the end, kayo-kayo pa din ang magkakasama at magtatawanan…


  4. wow!! ang ganda!! slmt sa website na ito!!! nagkabati uli kami ng bff ko!!!

    THNK YOU VERY MUCH!!

    hindi ko alam anong magawa ko upang mapasalamatan kau!!:))
    TNX TLGA!!


    • Masaya ako para sa iyo…

      maaari bang ikwento mo kung paano nakatulong ang blog ko upang magkamabutihan ulit kayo ng bff mo?



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: