h1

Tipid Tubig Tips (TTT)

February 23, 2010

“Ang tubig ay kinakailangan sa bawat dimensyon ng buhay”

Nakaamba na naman ang krisis sa tubig sa buong bansa. Ito ay sanhi na rin ng El Niño Phenomenon kung saan mahaba ang panahon ng hindi pag-ulan at nagdudulot ng mas mahabang panahon ng matinding ng tag-init. Nasa kritikal na antas na ang tubig sa mga pangunahing dam sa bansa. Nagsisimula na ding matuyo ang ilang mga halaman na hindi na kayang suplayan ng tubig pang-irigasyon. Nanganamatay din ang mga isda sa ilang bahagi ng bansa dahil sa matinding init ng tubig. Nagkaroon na din ng ilang forest fires sa ilang mga lalawigan sa bansa. Dahil na din sa kakulangan ng tubig, maaari itong sundan ng krisis sa kuryente.

Ano nga ba ang El Niño Phenomenon?

El Niño-Southern Oscillation (ENSO) ang buong katawagan dito. Ito ay isang matinding pagbabago ng panahon kung saan gumagalaw ang tubig sa Karagatang Pasipiko na nangyayari dahil sa pagkakaiba ng temperatura sa iba’t ibang bahagi ng mundo.  Ito ay nagdudulot ng matinding tag-tuyot sa ibang bahagi ng mundo habang sa ibang bahagi naman ay matindi ang pag-ulan. Matatandaang naganap ito sa Pilipinas noong taong 1997 hanggang 1998.

Ang katawagan El Niño ay isang salitang Kastila na ang ibig sabihin ay “the boy” o “ang batang lalake”. Ito ay patungkol sa batang si Hesus sapagkat nararamdaman ito sa tuwing panahon ng Kapaskuhan. Maari itong sundan ng La Niña (the girl) kung saan magkakaroon naman ng matinding tag-ulan.

Dahil din sa El Niño kaya nagkukulang ang suplay ng tubig. Nakatakda nang kumuha ng tubig sa Laguna de Bay upang patuloy na matustusan ang pangangailangan ng tubig sa buong Metro Manila. Ang prosesong ito ay tinatawag na desalination kung saan tinatanggal ang ilang mineral sa tubig upang maging angkop itong inumin. Ang desalination ay ginagawa na din sa ilang bahagi ng mundo katulad ng Saudi Arabia, India, China at Flordia sa Estados Unidos.

Paano ba tayo makakatipid sa tubig?

Sa tingin ko ang lahat naman ng pagtitipid sa tubig ay alam na natin. Minsan nga lamang tinamad na tayong gawin o wala na talaga tayong pakialam.

  • Iwasan ang paliligo ng matagal. Kung maaari ay gumamit na lamang ng tabo at timba sa paliligo. At huwag hayaang umapaw ang tubig.
  • Maghanda na lamang ng isang basong tubig upang ipangmumog matapos magsepilyo. Huwag hayaang nakabukas ang gripo habang nagsesepilyo.
  • Maglaan na lamang ng kaunting tubig sa isang lalagyan sa tuwing maghihilamos o mag-aahit.
  • Gumamit ng timba at basahang hindi madaling matuyo sa tuwing maglilinis ng sasakyan.
  • Gumamit ng palangana sa tuwing maglilinis ng mga pinagkainan.
  • Gumamit din ng palangana kapag nilinis ang mga pinamiling pagkain sa palengke.
  • Huwag basta-basta itapon ang tubig na ginamit sa paglilinis. Maaaring itong ipunin sa isang timba at ito ang gamitin na pambuhos sa inidoro.
  • Mangyaring magdilig ng halaman sa gabi o umagang-umaga. At kung maarai ay gumait na lamang ng timba at tabo o lagadera sa pagdidilig. Huwag magdilig kapag matindi ang sikat ng araw o mahangin. Madali lamang sisingaw ang tubig at hindi ito masisipsip ng halaman.
  • Agad kumpunihin ang mga tagas sa gripo at tubo.
  • Kapag may nakitang sirang tubo sa kalsada, agad na ipagbigay-alam sa kinauukulan.

Kung may alam pa kayong tips para sa pagtitipid ng tubig, ibahagi ito sa amin sa pamamagitan ng paglalagay nito sa comments.

Tandaan…

Magtipid ng tubig!

2 comments

  1. ang galing sana hangaan din keu ng ibva kase project namin yan ehhh panalo kami 100%


    • salamat michelle!

      sana ay mag-like ka din sa facebook page ko…itype mo lamang ang siFRANZayPINOY

      salamat muli!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: