h1

Sino si Ana Roces at Iba Pang Showbiz Trivia

February 13, 2010

“Ang pag-arte ay hindi pagiging emosyonal. Ito ay kung paano maipamamalas ang kakayahang ihayag ang emosyon”

Napag-usapan lang namin yung bagong profile pic sa facebook ng isa namin friend. Medyo hindi kasi kami makapaniwala na siya yun. Way back 2003 pa daw yung picture na yun at nakuha lang n’ya from his friendster account. Tapos nagcomment ako na kamukha n’ya si Ana Roces sa picture na yun.

Ana Roces

Nagulat ako! Hindi pala n’ya kilala si Ana Roces (pictured).

Well…sino nga ba tagala si Ana Roces?

Ito lang ang mga information na natatandaan ko about Ana Roces. Nagsimula s’ya sa That’s Entertainment ni Kuya Germs. Kung hindi ako nagkakamali member s’ya ng Tuesday Group. Lumabas din s’ya sa mga movies like Shake, Rattle & Roll 2, Alabang Girls at ang paborito kong Kadenang Bulaklak kung saan s’ya gumanap bilang Baby Abolencia. Iba talaga ang nagagawa ng CinemaOne.

Nagquit ng showbiz si Ana Roces noong 2002 para magpakasal kay Greg Montenegro, kapatid ni Angela Montenegro (asawa ni Pampanga Rep. Mikee Arroyo). Sampung taon ang tanda ni Greg kay Ana. Subalit, naghiwalay silang dalawa noong 2006 at napawalang-bisa ng korte ang kanilang kasal.

Pero kagaya ng sabi nila, “once an actress, always an actress.” Bumalik si Ana Roces sa showbiz sa pamamagitan ng “Calla Lily” kung saan s’ya gumanap na ina ni Sharlene San Pedro. Ewan ko kung naalala n’yo pa yun.

Huling lumabas sa TV sa Ana Roces sa lingguhang palabas na “You Song Presents: Boystown”. Maganda naman talaga itong si Ana Roces. Hindi talaga nagbabago ang itsura n’ya. Mula That’s Entertainment hanggang ngayon ganon pa din ang itsura n’ya.

Mabalik tayo sa profile pic ng friend ko…

Madami pang showbiz names na lumabas at karamihan ay wala na sa showbiz. At ang karamihan pa ay hindi alam ng friend kong kamukha ni Ana Roces. At namangha silang lahat at kilala ko pa ang mga artistang yun. Lumabas ang mga pangalan nina: Vivian Velez, Angela Velez, Paul Alvarez, Almira Muhlach, pati ang softdrink beauties.

So nagresearch ako about sa kanila. Wala lang! Nacurious lang ako!

Naalala n’yo pa ba sina…

Softdrink beauties:

  • Sarsi Emmanuel
  • Coca Nicolas
  • Pepsi Paloma

Hard Drink Beauties:

  • Vokda Zobel
  • Brandy Ayala
  • Chivas Regal
  • Remi Martin
  • Karla Kahlua

Street Beauties (dito ako natawa):

  • Aurora Boulevard
  • Epifania delos Santos
  • Remedios Malate
  • Rosario Pasig

TRIVIA

  • Claudia Zobel

    Si Divina Valencia (mother of Dranreb Belleza) ang pumukpok ng mic sa ulo ni Rey dela Cruz (manager ng softdrinks at hard drink beauties). Ito ay nangyari sa programang Rumor, Facts & Humor ng ABS-CBN.

  • Nagfile ng rape case si Pepsi Paloma laban kina Vic Sotto, Joey de Leon at Richie d’ Horsie. Si Rene Cayetano ang nagsilbing abugado kay Pepsi. Pero naareglo ang kaso.
  • Nagsimulang magbold si Pepsi Paloma sa edad na 14. Nagpalaglag sa edad na 15. At nagpakamatay sa edad na 17 sa pamamagitan ng pagbibigti.
  • Ang pelikulang Room 69 ang pamagat ng huling pelikula ni Pepsi Paloma. Ito ay pinalabas dalawang linggo bago siya nagpakamatay.
  • Si Brandy Ayala ay nabaliw na at palaboy na ngayon. Pinagamot pa siya ng ilang mga TV shows pero nawala pa din siya sa tamang pag-iisip.
  • Si Karla Kahlua ang nanay nina Ehra Madrigal at Michelle Madrigal.
  • Si Stella Suarez Jr. (isa ding 80’s boldstar) ay nagpakilalang kapatid (at kakambal pa) ni Richard Gomez.
  • Si Claudia Zobel (pictured), Thelma Maloloy-on sa totoong buhay, ay namatay sa edad sa 19 dahil sa isang aksidente sa kotse sa EDSA. Nagmamaneho noon si Claudia Zobel ng isang Mitsubishi Colt (plate # PDS119).
  • Ang batikang direktor na si Lino Brocka ay namatay noong May 21, 1991 dahil sa isang aksidente sa kotse.  Ito ay naganap dakong 1:30AM sa East Avenue sa Quezon City. Kasama ni Brocka ang kanyang boyfriend na si William Lorenzo (isang aktor) na nakaligtas sa aksidente. Pauwi na dapat ang dalawa sa kanilang bahay sa Tandang Sora, Quezon City nang sumalpok ang sinasakyan nilang 1991 Toyota Corolla sa isang poste ng kuryente.
  • 18 years old si Dina Bonnevie ng gawin niya ang pelikulang Katorse (1980). Ito ang kauna-unahan niyang “breakout role” matapos niyang gawin ang mga pelikulang Temptation Island (1980) at Underage (1980).
  • Alfie Anido

    Nagpakamatay diumano ang “matinee idol” na si Alfie Anido (picture) noong December 31, 1982 (1AM), isang araw matapos ang kanyang kaarawan, sa kwarto ng kanyang bahay sa 31 June Street, Bel-Air, Makati. Nagbaril umano ang aktor sa kanang sentido gamit ang .38 Colt Diamond Buck Revolver matapos silang mag-away ng kaniyang girlfriend na nagngangalang “Katrina.” Ayon sa pahayag ng metrocom, nag-iwan diumano ang aktor ng suicide note sa kanyang amang si Alberto Anido na may nakalagay na, “Dad, sorry about this but I can’t take it anymore! Tell Katrina that I love her.”

  • Namatay si Alfie Anido sa edad na 22.  Kumukuha noon ang aktor ng kursong management sa Ateneo. Una siyang lumabas sa pelikulang Nympha noong 1980.
  • May isa na lamang eksena sa pelikulang “Diosa” ang dapat tapusin ni Alfie Anido. Ito ay ang huling eksena sa pelikula kung saan dapat ay babarilin ng aktor ang kanyang sentido at tatapusin ang lahat. Si Maryo J. delos Reyes ang direktor ng pelikulang ito.
  • Si Julie Vega o Julie Pearlier Postigo sa totoong buhay, ay pumanaw noong May 7, 1985 sa edad na 17, 6:30AM sa Lung Center of the Philippines. Nakatakda siyang magdiwang ng kanyang 18th birthday sa May 21. Namatay siya sa sakit na bronch0-pneumonia.
  • Nadiskubre si Julie Vega sa isang Christmas Party sa Quezon Institute ng batikang direktor at National Artist na si Lamberto Avellana at beteranong aktres na si Boots Anson-Roa.  Nagsimula ang kanyang career sa showbiz sa edad na anim. Una siyang lumabas sa isang patalastas ng isang tatak ng hotdog.

Ikaw ano pang showbiz trivia ang alam mo?

Mabuhay ang Pinoy showbiz!

One comment

  1. grabeeehhh c pepsi paloma. wew



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: