h1

10 Best Pinoy Films of 2009

February 6, 2010

“Sinasalamin ng pelikula ang buhay natin.”

siFRANZayPINOY's 10 Best Films of 2009

Isa akong panatiko ng pelikulang Pinoy. Ang panonood ng sine ang isa sa mga paborito kong libangan. Mula indie film hanggang short films, pinapanood ko. Lahat ng genres, hindi ko pinapalampas.

At noong 2009, namayagpag muli ang mga indie films. Madaming mga pelikula din ang naimbitahan at pinarangalan sa mga film festivals sa iba’t ibang panig ng mundo. Patunay lamang na ang pelikulang Pinoy ay nagpapatuloy sa kaniyang pag-ahon mula sa pagkakalugmok ng ilang taon.

Ang mga sumusunod ang para sa akin ay Top 10 Pinoy Films of 2009 (in alphabetical order):

  • Agaton & Mindy

APT Entertainment

Directed by: Peque Gallaga

Starring: Chase Vera, Louise delos Reyes, Cherie Gil, Dina Bonnevie, Audie Gemoria

Ang pelikulang ito ay tungkol sa dalawang mananayaw na nagmula sa magkaibang estado ng buhay. Si Agaton ay mula sa isang mahirap na pamilya na hinahanap ang kanyang ina na umabandona sa kanya. Samantalang si Mindy ay mula sa mayamang pamilya na nalulugmok sa depresyon. Nagkakilala ang dalawa sa isang dance class kung saan nagsimula ang kanilang pag-iibigan. I personally like the musical scoring in this film. Bahagi ang pelikulang ito ng SineDirek Film Festival ng Director’s Guild of the Philippines.

  • Ang Panday

Imus Productions/GMA Films

Directed by: Rico Gutierrez & Mac Alejandre

Starring: Bong Revilla, Iza Calzado, Philip Salvador

Hindi na marahil kailangan pang ipaliwanag ang pelikulang ito. Batay ito sa panulat sa komiks ng batikang direktor at manunulat na si Carlo J. Caparas. Ipinamalas naman sa pelikulang ito ang galing ng Pinoy sa visual effects at animation. Marahil, dapat ay mga pelikulang katulad nito ang ipadala ng Pilipinas sa mga prestihiyong film festival at award-giving bodies sa iba’t ibang panig ng mundo upang makita din nila na may ipapantay na tayo sa mga pelikulang katulad ng The Lord of the Rings.

  • Aurora

Bicycle Pictures

Directed by: Adolfo Alix Jr.

Starring: Rosanna Roces, Sid Lucero, Kristoffer King

Isa sa mga pinakakontrobersyal na pelikula ng 2009, ang Aurora ay tungkol sa isang social worker na dinukot ng mga miyembro ng Lost Command. Nakatakas siya mula sa kamay ng mga dumukot sa kanya at nagtago sa kakahuyan kung saan natagpuan siya ng isa sa mga dumukot sa kanya. Dalawang beses itong pinatawan ng rating na “X” ng MTRCB dahil sa rape scence na ayon sa MTRCB ay “unfit for public viewing” at “too explicit”.

  • Ded Na Si Lolo

APT Entertainment

Directed by: Soxie Topacio

Starring: Roderick Paulate, Elizabeth Oropesa, Gina Alajar, Manilyn Reynes, BJ Forbes

Ipinapakita sa pelikulang ito ang isang pamilyang namatayan ng ama mula sa pananaw ng isang batang lalaki. Ipanakita din dito ang mga pamahiin ng mga Pinoy sa tuwing may nakaburol na patay sa pamilya. Ito ang pinadala ng bansa para Best Foreign Language Film Category sa 82nd Academy Awards subalit hindi nakasama sa mga nominado. Isa din ito sa anim na pelikula ng SineDirek Film Festival.

  • Independencia

Directed by: Raya Martin

Starring: Tetchie Agbayani, Sid Lucero, Alessandra de Rossi

Ang pananakop ng mga banyaga ang naging tema ng pelikulang ito. Inihalintulad sa mga sinaunang pelikula ang Independencia kung saan walang maririnig na salita mula sa mga artista. Isinalaysay dito ang buhay ng mag-inang umakyat sa kabundukan upang tumakas mula sa mga mananakop na Amerikano. Ipinalabas ito sa ika-animnapu’t dalawang taon ng Cannes Film Festival noong Oktubre 2009 sa kategoryang Un Certain Regard.

  • In My Life

Star Cinema

Directed by: Olivia Lamasan

Starring: Vilma Santos, John Lloyd Cruz, Luis Manzano

Pinapakita dito kung paano binago ng pag-iibigan ang dalawang lalaki ang pag-uugali ng isang ina. Kung paano buksan ang kanyang puso at tanggapin ang katotohanan. Kinuhanan sa New York sa Estados Unidos sa New York ang pelikulang ito. Hindi matatawaran ang pag-arte nina Vilma Santos, John Lloyd Cruz at Luiz Manzano.

  • KimmyDora

Spring Films

Directed by: Joyce Bernal

Starring: Eugene Domingo, Dingdong Dantes, Miriam Quiambao, Arie Ureta

Ito para sa akin ang pinakanakakatawang pelikula ng 2009. Ipinakita dito ni Eugene Domingo ang kanyang galing sa pag-arte. Makikita mo talaga ang magkaibang treatment na ginawa ni Eugene Domingo sa pagganap sa kambal na sina Kimmy at Dora. Para sa akin, si Eugene Domingo ang dapat na hirangin bilang Best Actress para sa 2009 dahil sa pelikulang ito. Makikita din dito ang style ni Joyce Bernal sa pagdidirek ng mga pelikulang komedya.

  • Kinatay

Directed by: Brillante Mendoza

Starring: Coco Martin, Mercedes Quebral, Maria Isabel Lopez, Julio Diaz, Jhong Hilario

Tungkol ito sa isang estudyanteng nag-iipin ng pera para pakasalan ang kanyang girlfriend. Hanggang sa makakakuha ng isang trabaho na kung saan siya ay magsisilbing isang errand boy sa isang sindikato. Hanggang sa masaksihan niya ang isang karumal-dumal na pagpatay sa isang babae. Isa ang pelikulang ito sa mga kalahok sa 62nd Cannes Film Festival sa France sa Palme d’Or na kung saan nagwagi ang direktor nitong si Brillante Mendoza ng Prix de la mise en scene (Best Director).

  • Manila

Directed by: Adolfo Alix Jr. & Raya Martin

Starring: Piolo Pascual, Rosanna Roces

Inspirasyon ng pelikulang ito ang mga pelikulang “Jaguar” ni Lino Brocka at “Manila By Night” ni Ishmael Bernal. Ang pelikulang ito ay nahahati sa dalawang kabanata na ginampanan ng mahusay ni Piolo Pascual. Si Rosanna Roces ang gumanap na ina ni Piolo Pascual dito sa pelikula. Naimbitahan din ito para sa special screening sa ika-animnapu’t dalawang taon ng prestihiyosong Cannes Film Festival.

  • Pasang Krus

Directed by: Neal “Buboy” Tan

Starring: Rosanna Roces, Ketchup Eusebio, Empress Shuck

Ito ay tungkol sa isang naghihirap na ina na nakalaan gawin lahat ng sakripisyo para sa kanyang pamilya. Pinagbibidahan ni Rosanna Roces bilang Hermina, tinatalakay din sa pelikulang ito ang mga tradisyon ng mga Pinoy tuwing Mahal na Araw.

Nawa ay lalo pang mamayagpag ang pelikulang Pinoy sa taong ito. At nawa rin ay madami pang tumangkilik dito. Sana rin ay madami pang mga direktor at prodyuser ang mageksperimento sa mga makabagong istorya at iba pang aspeto sa paggawa ng pelikula.

Tangkilikin natin ang pelikulang Pinoy!

One comment

  1. Ay ang gaganda ng trailer! lalo na Ang Panday… hahanapin ko ang mga ito sa internet…hehehe…maliban sa In my life kasi napanood ko na yan.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: