h1

Inquirer Presidential Debate

February 5, 2010

“Ang tunay na pinuno ay pangkaraniwang tao na may hindi pangkaraniwang pagpupunyagi.”

"Inquirer FIRST EDITION - The Presidential Debate"

Kamakailan ay hinikayat ng Philippine Daily Inquirer (PDI), ang isa sa mga nangungunang peryodiko sa bansa, ang kanilang mga mambabasa sa internet na magsumite ng mga tanong para sa kanilang “Presidential Debate”. Ang mga mapipiling tanong ay itatanong sa mga presidentiables at ang nagsumite nito ay mananalo ng dalawang tickets bawat isa para makapanood ng debate.

Nakita ko ang link sa fan page ng isa sa sampung tumatakbong pangulo. Nagpadala ako ng apat ng tanong. Ito ay ang mga sumusunod:

  1. Kung sa darating na halalan ay hindi mo maaaring iboto ang iyong sarili, sino sa mga iba pang kandidato para pangulo ang iyong iboboto at bakit?
  2. Ayon sa estadistika, tumataas na ang kaso ng HIV/AIDS sa bansa. Ano ang gagawin mo, kapag ikaw ang nahalal na pangulo, upang masugpo ang pagkalat ng sakit na ito?
  3. Mayroon bang pagkakataon sa iyong buhay na nanakit ka na ng isang tao, maging pisikal, emosyonal o sa salita? Bakit mo ito nagawa kung meron man?
  4. What makes you angry?

Sa unang tanong, nais kong madinig kung mayroon maganda sasabihin ang mga kandidato sa kapwa nila kandidato. Dahil kabilaan ang patutsada nila sa isa’t isa sa mga interview nila sa TV. Sana lang walang sumagot na “wala” at “hindi na lang sila boboto.”

Sa pangalawa naman, dahil nakakaalarma na ang pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS sa bansa ayon na din sa mga balita, nais kong alamin kung ano ang magagawa nila para matigil na ang paglaganap nito. Dahil tila hindi na ito napapansin ng kasalukuyang administrasyon.

Sa pangatlong tanong, alam nating tao lamang din ang mga presidentiables. Nais ko lamang malaman kung gaano sila “pangkariwan” bilang tao. Dahil sigurado naman ako na kahit sino sa atin ay nakapanakit na ng ating kapwa. Sana lang ay maging totoo ang kanilang sagot dito.

Sa huling katanungan, marahil ay napapanood natin sa telebisyon ang paminsan-minsang galit ng ating kasalukuyang pangulo. Nais kong malaman kung magiging ganoon din sila sa kanilang pamumuno. Lahat naman siguro sa atin ay nagagalit, minsan nga lamang ay hindi pinapakita ng iba.

Lubos akong nasiyahan, nang mag-email sa akin ang isang staff ng PDI para sabihing nanalo ako ng dalawang tickets para sa debateng ito. Hindi ko alam kung alin sa mga tanong ko ang napili nila. Pero wala na ako pakialam. Basta nananalo ako. Kaya naman kaninang hapon, nagsadya ako sa tanggapan nila upang kunin ang napanalunan kong tickets.

Naglunsad din ako ng isang contest para sa aking fans sa Facebook sa kung sino ang nais sumama sa akin para sa debate. Madami ang nagmessage sa akin. Mahirap pumili. Pero kailangan ko talagang pumili dahil sayang naman ang isa pang ticket.

Napili ko ang aking kaibigan at dating officemate na si Jasper Domingo para makasama ko sa debate. Kinakailangan ko ang kanyang talento bilang photographer. Ito ang una at pambihirang pagkakataon na makikita ko ng personal ang mga kandidato kaya naman dapat ay maganda ang mga pictures.

Sobrang excited na din ang aking kaibigan matapos ko siyang sabihan na siya ang isasama ko sa debate.

Ang “Inquirer FIRST EDITION – The Presidential Debate” ay gaganapin sa UP Theater sa UP Diliman sa darating na Lunes, February 8 sa ganap na ikasampu ng umaga.

Hope to see you at the debate!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: