h1

Ang Pagmamahal

February 2, 2010

“Ang pagmamahal ang tula ng damdamin.”

Dahil ang buwan na ito ay ang buwan ng pag-ibig. Nararapat lamang na ang una kong blog sa buwang ito ay tungkol dito.

Ang lahat ng nilalang ng Diyos ay nakakaramdam ng pagmamahal. Hindi ito itinuturo ng sinuman. Ito ay kusang nadarama.

Ang pagmamahal ay sinasabing ang pinakamagandang bagay na nilikha sa mundo. Ang bawat isa sa atin ay binuo ng pagmamahal. Ang bawat pangarap ay yari sa pagmamahal. Ang bawat pananalig ay hinabi ng pagmamahal. Ang bawat katapangan ay bunga din ng pagmamahal. At minsan din, pati ang galit ay nabuo dahil sa pagmamahal.

Masarap gumising bawat umaga na pinagmamasdan mo ang mukha ng iyong minamahal habang sumisikat ang araw. Ito ang nagbibigay sa iyo ng lakas ng loob upang harapin ang bagong umaga…ang bagong araw sa iyong buhay. Ang iyong minamahal ang nagbibigay sa iyo ng paniniwala sa iyong sarili na sa kalagitnaan ng hirap at kalungkutan sa mundo, sa bandang huli mamayagpag pa din ang inyong pagmamahal sa bawat isa.

Subalit, marahil ay mas masarap sa pakiramdam kung sa paglubog ng araw hanggang sa iyong pagtulog ay mukha pa din ng iyong minamahal ang iyong mamamasdan. Ito ang magbibigay sa iyo ng kapanatagan na pagkatapos mong harapin ang hamon ng araw na nagdaan, nandoon pa din ang iyong minamahal na naghihintay sa iyong pagbabalik. Kasama na din dito ang pag-asa na nawa ay kapiling at kayakap mo siya sa iyong pagtulog at sa iyong  pagising sa umaga ay mukha niya muli ang iyong magigisnan.

Kung pagmamahal at tanging pagmamahal lamang ang ating iisipin, wala na marahil lungkot sa mundo. Wala nang magmamalabis. Wala nang magnanakaw. Wala nang maghahangad ng kapangyarihan. Wala nang magapapahirap at wala nang maghihirap. Walang nang luluha. Wala nang dadanak na dugo. Ngunit sa hindi perpektong mundo, wala tayong magagawa kundi makipagsagupa dito. Ang gawin na lamang nating sandata sa pakikipalaban ay ang pagmamahal sa ating mga puso. At sa bandang huli, pagmamahal pa din ang maghahari.

Maligayang buwan ng mga puso!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: