h1

Temptation Island

January 30, 2010

“Tayo ay pelikula. At ang pelikula ay tayo.”

Kagabi, napanood ko ang pelikulang Temptation Island (original poster). Ito ang unang pagkakataon na napanood ko ang pelikulang ito. Sa mga hindi nakakalaam, ang pelikulang ito ay ipinalabas noong 1980 (July 4, 1980 to be exact). It was directed by Joey Gosiengfiao and produced by Regal Films. Hindi pa ako ipinipapanganak noong ipinalabas ito pero lagi ko na ito naririnig.

Ang pelikulang ito ay tungkol sa apat na finalists ng “Miss Manila Sunshine Beauty Pageant” na napadpad sa isang isla matapos masunog ang sinasakyan nilang barko. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong ka-deserted na isla sa TV. Yung tipong pagkatapos ng seashore disyerto na. Walang puno (meron palang konti). Walang halaman. Walang hayop. Puro buhangin.

Tunay na mga beauty queens ang bida dito. Si Azenith Briones na Miss Photogenic sa Mutya ng Pilipinas 1975. Si Jennifer Cortez na Bb. Pilipinas-Universe 1978. Si Bambi Arambulo na Bb. Pilipinas-Maja 1977. At si Dina Bonnevie na 1st Runner-up sa Miss Magnolia 1979.

Para sa akin hilarious talaga itong film na ito. Isang classic Pinoy film. Maraming unforgettable lines dito sa film na ito. Pero ito ang paborito ko:

“Walang tubig. Walang pagkain…’di magsayaw na lang tayo!”

Natawa talaga ako!

Nakita ko pa sa YouTube ang mismong eksena na yun.

Isa din sa mga paborito ko ay nang kinain nila ang kanilang namatay na kasamahan dahil sa sobrang kagutuman (picture). Madami na akong nakitang ganitong eksena pero ito pa lamang yata ang pelikulang Pinoy na napanood ko na may ganitong eksena.

Aaminin ko. Mahilig talaga ako manood ng pelikula. Lalo na yung mga Pinoy films. Isa sa mga paborito kong channel ay CinemaOne. Natutuwa akong panoorin ang mga pelikulang dito. Lalo na yung mga luma na hindi pa ako ipinapanganak noong ipinalabas.

Sana nga lang ay tangkilikin ng bawat isang Pinoy ang ating mga sariling pelikula. Sapagkat sa mga pelikulang ito makikita ang ating sariling kultura, ang ating kasaysayan at maging ang ating hinaharap na maaari pa nating ipagmalaki sa buong mundo.

Ito pa ang ilang mga eksena sa Temptation Island:

I love this film!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: