h1

Ang iPad

January 29, 2010

“Ang ating mundo ay nagbabago dahil sa teknolohiya”

Nung una akong nabasa ang tungkol sa iPad (picture) akala ko nagbibiro lamang sila. Akala ko kasi minali lamang ang spelling ng iPod. Akala ko pa bagong mp3/mp4 player nang makita ko ang larawan sa internet. Hindi pala. Isa pala siyang tablet computer na ginawa ng Apple. Pantapat siguro nila sa HP Slate na nilabas ng HP ilang linggo ang nakakaraan.

Hindi ako isang techie na tao. Pero namangha talaga ako dito. At kung bibigyan ako ng pagkakataon na gamitin ito o magkaroon nito…bakit hindi? Pero para pag-ipunan ito? Hindi ko gagawin.

Naisip ko tuloy. Siguro ang dali lamang magharvest ng mga tanim sa farmville dito kasi touchscreen siya. Mas maganda sigurong manood ng YouTube o magbasa ng libro. Ganoon naman talaga ang layunin ng pabagobagong andar ng teknolohiya, ang mas mapadali at mas mapaganda ang takbo ng ating buhay.

Sa katapusan pa ng March ilalabas ang iPad sa merkado. Sigurado namang papatok ito. Meron kasing mga tao na kahit mahal ang isang bagay, bibili at bibili pa din.

Tingnan na lamang natin sa March kung wala na tayong makikitang may dalang mga laptop sa mga WiFi zones at napalitan na ito ng mga tablet computers.

Ang presyo ng iPad ay mula $499 hanggang $829 depende pa sa memory at kung mga 3G. Tingnan natin kung gagastos ang mga Pinoy ng hanggang P35,000 para dito. I’m sure meron.

Maaari nga na nababago ng teknolohiya ang ating mundo. Pero wag sana nating hayaan na pati buhay natin ay sakupin nito.

iPad coming soon!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: