h1

Dancing Inmates (This Is It)

January 27, 2010

“Maaring sumayaw kahit saan. Kahit sa kaibuturan ng puso.”

The Dancing Inmates

Nagpasikat na naman ang Dancing Inmates (picture) ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC). Ito na yata ang pinakabongga nilang performance. This is it!

Madami nang nakapanood ng video nilang ito sa YouTube. Sa huli kong tingin, lagpas nang isang milyon ang hits ng video na ito sa loob lamang ng isang araw matapos itong ipost. Madaming nagtext sa akin at nagcomment sa video na ito nang ipinost ko ito sa aking Facebook account.

This Is It Poster

Sinadya pa ng choreographer ni Michael Jackson na si Travis Payne ang kulungan para dito. Dalawang araw lamang sila nagpractice pero kahahanga-hanga pa din ang kanilang ipinamalas. Isasama ito sa DVD ng pelikulang “This Is It” (poster).

Aaminin ko. Kinilibutan ako sa sa video na ito. Hindi ako Michael Jackson fan. Pero talagang halos maiyak ako ng mapanood ko ito. Hindi ko alam kung bakit. Marahil ay masaya si MJ habang pinapanood niya ang video. Siguro kung nabubugay pa siya baka kasama din siya dito.

Talaga namang kahit nasa loob sila ng kulungan, proud ka pa din sa kanila. Bilib talaga ako sa mga Pinoy. Kahit mga preson kayang gumawa ng pangalan sa mundo.

Hanga ako sa disiplina nila. Marahil sa paglabas nila ng piitan taglay na nila ang disiplinang ito upang hindi na nila maulit muli ang nagawang kasalanan. Tataglayin din nila ang pag-asa. Pag-asa na sa kabila ng dilim na nangyari sa kanilang buhay ay makikita muli nila ang liwanag. Liwanag na maghahatid sa kanila sa pagbabago.

Saludo ako sa mga dancing inmates ng Cebu.

Talagang this is it!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: