h1

Help Haiti

January 14, 2010

“Ito ang tanong ng buhay: Ano ang magagawa mo para sa iyong kapwa?”

Flag of Haiti

Isang nakapipinsalang lindol ang yumanig sa bansang Haiti noong January 12, 2010 bandang ikalima ng hapon (6AM, January 13 MNL Time). Ang lindol ay may lakas 7.0 magnitude at sumentro 15 kilometro malapit sa kabisera nitong Port-au-Prince.

Ayon sa International Red Cross, tinatayang 3 milyong tao ang naapektuhan ng pagyanig at humigit-kumulang sa 100,000 ang namatay.

Madaming gusali ang nawasak sa pagyanig. Kabilang dito ang Presidential Palace, National Assembly at maging ang Cathedral ng Port-au-Prince.

Saan nga ba ang Haiti?

Ang sumusunod ang ilan sa mga mahahalagang kaalaman tungkol sa bansang Haiti:

  • Ang Haiti ay isang republika sa Carribean.
  • Map of Haiti

    Ito ay matatagpuan sa isla ng Hispaniola kung saan matatagpuan din ang bansang Dominican Republic.

  • Ang Port-au-Prince ang kabisera at pinakamalaking lungsod sa Haiti.
  • French at Haitian Creole ang mga opisyal na wika dito.
  • Ang Haiti ay may lawak na 27,750 sq. km. Mahigit sa sampung beses na mas malaki ang Pilipinas sa Haiti.
  • Ang bansang ito ay isang semi-presidential republic. Ang Pangulo ang siyang Head of State na binoboto ng sambayanan. Ang Punong Ministro naman ang Head of Government na pinipili ng Pangulo mula sa nangungunang partido sa Pambansang Kapulungan.
  • Si Rene Preval ang kasalukuyang Pangulo ng Haiti at si Jean-Max Bellerive naman ang kasalukyang Punong Ministro.
  • Ang Haitian Gourde ang tawag sa salapi sa Haiti.
  • Ang Haiti ang pinakamahirap sa bansa sa bahaging kanluran ng hating-globo. Pang-145 na bansa sa buong mundo per GDP.
  • Katoliko ang relihiyon ng nakararami sa Haiti.
  • 55% ang literacy rate sa Haiti (55% for male and 51% for female).
  • Le Dessalinienne ang pamagat ng pambansang awit ng Haiti bilang pagbibigay parangal kay Jean-Jacques Dessalinienne, ang pinuno ng Haitian Revolution at ang unang pinuno ng malayang Haiti.
  • January 1, 1804 ang araw ng kalayaan sa Haiti. Lumaya ito mula sa bansang France.

Paminsan-minsan ay lumalahok din ang Haiti sa mga beauty pageants. Sa katunayan, naging 5th runner-up si Joelle Apollon sa Miss World noong 1975.  Sumali din ito sa Miss Universe at Miss Earth.

Haiti's Mud Cookies

Naalala ko din noong taong 2008 nang mapabalita na may kakulangan na sa pagkain sa Haiti at ang mga presyo ng pangunahing bilihin ay tumataas. Kung kaya’t ang ginagawa na lamang ng mga mahihirap para maitawid ang kanilang gutom sa araw-araw ay kumain ng mga tinapay na gawa sa putik (mud cookies). Nilagyan lamang ito ng butter at asin. Bagama’t delikadong kainin at kaunti lamang ang sustansiya. Ang mud cookies (picture) ang nagbibigay-buhay sa mga mahihirap na Haitian.

Ilang mga bansa, kabilang ang Pilipinas, ang nagpapadala ng mga military aid para sa pagsasayaos ng kabuhayan sa Haiti.

As of this writing, may apat pang sundalong Pilipino ang hindi pa natatagpuan mula sa mga gumuhong gusali.

Sa mga nais tumulong, you may visit the following websites:

You can also help Haiti earthquake victims through the Philippine Red Cross. Text HAITI <amt> to 4483. Ex. HAITI 50. You can donate the following amounts: 10,25,50,100.

Madaming mga bansa ang tumulong sa atin nang napinsala tayo ng nakaraang mga bagyo. Tulungan din natin ang bansang Haiti para sa pagpapanumbalik sa dating pamumuhay ng mga residente nito. Mahirap gawin ito. Subalit sa sama-sama nating pagtutulungan hindi na ito imposible.

Sama-sama din tayong magdasal na  nawa ay hindi maganap ang ganitong trahedysa sa ating bansa.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga larawang kuha sa Haiti matapos ang lindol:

Photos taken from:

Please help Haiti!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: