h1

Nessun Dorma Covers

January 8, 2010

“Musika ang tunog ng damdamin.”

Kanina, wala na naman ako magawa. So, nanood na naman ako ng mga videos sa YouTube. Classical music naman ang pinagkaabalahan ko. Hanggang sa nakita ko ang isang version ng Nessun Dorma.

Ano nga ba ang Nessun Dorma?

Sabi sa wikipedia, ang Nessun Dorma ay isang awit mula sa opera ni Giacomo Puccini na may pamagat na “Turandot” (poster). Ito ay isa sa pinakakilalang inaawit ng mga tenor.

Ito ang lyrics ng Nessun Dorma:

“Nessun dorma! Nessun dorma! Tu pure, o Principessa, nella tua fredda stanza, guardi le stelle che tremano d’amore, e di speranza!”
(English translation: “None shall sleep! None shall sleep! Even you, O Princess, in your cold bedroom, watch the stars that tremble with love and with hope!”)
“Ma il mio mistero è chiuso in me; il nome mio nessun saprà! No, No! Sulla tua bocca lo dirò quando la luce splenderà!”
(“But my secret is hidden within me; none will know my name! No, no! On your mouth I will say it when the light shines!”)
“Ed il mio bacio scioglierà il silenzio che ti fa mia!”
(“And my kiss will dissolve the silence that makes you mine!”)
“Il nome suo nessun saprà… E noi dovrem, ahimè, morir, morir!”
(“No one will know his name… and we will have to, alas, die, die!”)
“Dilegua, o notte! Tramontate, stelle! Tramontate, stelle! All’alba vincerò! Vincerò! Vincerò!”
(“Vanish, o night! Set, stars! Set, stars! At dawn, I will win! I will win! I will win! “)

Pero madami nang mga soprano at minsan pa’y nagpapanggap na soprano na umawit nito.

Ito ang version ni Luciano Pavarotti:

Hindi daw live itong version na ito. Dahil mahirap daw kumanta noon. Closing Ceremony kasi ito ng 2006 Winter Olympics sa Turin, Italy. Pero si Pavarotti pa rin ang Hari ng Tenor para sa akin.

Ito naman ang version ng isa sa mga paborito kong singer na si Aretha Franklin:

Talagang Queen of Soul itong si Aretha Franklin. Hindi dapat siya ang aawit nito sa Grammy noong 1998 kundi si Pavarotti. Pero nagkasakit si Pavarotti noon kaya siya ang pumalit sa kanyang kaibigan. At ang kahanga-hanga dito, ilang minuto lamang bago ang performance na ito siya pumayag para humalili kay Pavarotti.

Meron ding version si Michael Bolton:

Nakakamangha din for a pop singer to sing this song.

Sa ibang mga talent competitions, ginamit din itong audition piece.

Ito naman ang version ni Paul Pott ng Britain’s Got Talent:

Akalain mo ba naman na ang isang Carphone Warehouse Manager ay mananalo sa isang sikat na talent show dahil sa kantang ito.

Ito naman ang kakaibang version ni Greg Pritchard, na nakaabot din sa semifinals ng Britain’s Got Talent:

Nagulat din ako nang una kong makita ang video na ito. Parang rock star na mala-Adam Lambert pero countertenor/male soprano. Nakakatawa pero nakakamangha.

Hindi naman magpapatalo ang ating kababayang si Lani Misalucha. Ito ang version niya:

Pinapakita talaga ni Lani Misalucha dito na hindi lang pop ang kaya niyang kantahin. At nagtagumapay naman siya sa panghangang binibigay ng ating mga kababayan at maging ng ibang lahi na patuloy siyang pinapanood sa Las Vegas.

Hindi masyadong mahilig ang mga Pinoy sa classical music. Para kasing mayayaman lamang ang nanonood ng mga opera at classical concerts. Well, sino ba naman ang mahirap na bibili ng mahal na ticket para manood nito.

Pero sana may makita din akong mga singers na kakantahin ang Nessun Dorma sa mga variety shows dito sa Pilipinas katulad ng ASAP at SOP. Sana din ay may mga sumali sa mga talent shows katulad ng Talentadong Pinoy o Pilipinas Got Talent na kakantahin ang Nessun Dorma. Sana ay maihatid ang ganitong klase ng musika sa mga masa. Dito talaga masusukat kung gaano kahenyo sa musika ang mga Pinoy.

Vincero!

One comment

  1. […] original post here:  Nessun Dorma Covers « siFRANZayPINOY Share and […]



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: