h1

Pinoy Newsmakers of 2009

December 24, 2009

“‘Yun lamang mga taong walang ginagawa ang hindi nagkakamali”


Sa pagtatapos ng taong 2009, balikan natin ang mga Pinoy na nagpabago ng ikot ng ating mundo. Mga taong naging usap-usapan sa loob at labas ng bansa. Ang iba ay gumimbal sa atin. Ang iba naman ay nagsilbing inspirasyon sa buong sambayanan.

Beauty Pageants

Simulan natin sa paboritong kong paksa. Hindi naging masyadong napag-usapan ang ating mga beauty queens sa taong ito. Hindi sila naging matagumapay sa pagbibigay ng karangalan sa ating bansa.

  1. Sandra Seifert (Miss Earth-Air 2009 & Miss Philippines-Earth 2009)

    Bb. Pilipinas Organizers – gaya ng mga nakaraang taon, hindi din nakaligtas sa kontrobersiya ang Bb. Pilipinas 2009. Isang kandidata ang tinanggal ilang araw bago magsimula ang pageant. Sinabi din mali ang pagkakatalaga ng mga nanalo sa international beauty pageants.

  2. Pamela Bianca Manalo – ilang buwan ding nagtraining si Bianca sa Colombia para paghandaan ang Miss Universe. Malaki ang pressure sa kanya sapagkat ang kanyang tita na si Nini Ramos ay finalist sa Miss International at ang kanyang ate na si Kate Manalo ay semifinalist sa Miss World. Maraming nag-eexpect na tatapusin na Bianca ang ilang taong sumpa sa Pilipinas na hindi pagkakasali sa semifinalists. Pero hindi pa din siya nagtagumpay. Dapat daw kasi sa Miss World siya pinadala dahil Pinay na Pinay ang itsura niya na hinahanap ng Miss World Organizers.
  3. Melody Gersbach – siya ang pinili ng missosology.org na manalo sa Miss International 2009. Nakasama naman siya sa semifinalists. Pero hindi man siya nanalo, pinatunayan pa din niya na ang Pilipinas ay isa sa mga inaabangang bansa sa Miss International.
  4. Marie-Ann Umali – maganda si Marie-Ann. No doubt about it! Kaso parang hindi daw siya handa for Miss World. Dapat din daw ay sa Miss Universe siya pinadala dahil mas puspusan ang training doon. Marahil hindi nga siya handa dahil kahit sa mga fast track events sa Miss World hindi man lang siya naging semifinalists kung saan laging nakakasama ang Pilipinas.
  5. Sandra Seifert (picture) – tinanggal siya sa Bb. Pilipinas dahil daw sa pagpose niya sa FHM Magazine. Pero siya ang naging Miss Philippines-Earth. At si Sandra din ang pinakamatagumpay na Filipina beauty queen this year. Dapat nga daw siya pa ang mananalo sa Miss Earth. Kaso magwawalk-out daw ang ibang candidates pag Philippines ulit ang mananalo this year. Kaya 1st runner-up na lang daw siya. Pero kahit ganon, she still made the Filipinos proud. I admire her strength. After ng pagkakatanggal niya sa Bb. Pilipinas, she did not give up and joined Miss Philippines-Earth kung saan siya nagtagumpay. Yan dapat ang maging pangunahing katangian ng Kababaihang Pinay ngayon.

Mga Bayaning Pinoy

Ilang mga Pinoy ang nagbigay ng karangalan sa ating bansa ngayong taong ito. Ito ang ilan sa mga taong naghatid ng mga magagandang balita sa ating bansang animo’y may kakambal nang problema sa araw-araw.

  1. Efren Peñaflorida (2009 CNN Hero of the Year)

    Brillante Mendoza – ang kanyang pagkapapanalo ng Prix de la mise en scene (Best Director) sa prestihiyosong Cannes Film Festival sa France ang nagpapatunay na ang mga Pinoy na direktor ay may kakayahang makipagsabayan sa mga batikan at magagaling na direktor sa buong mundo. Bago din matapos ang taong ito ay nagbigay muli siya ng karangalan sa ating bansa sa pagkakapanalo ng kanyang pelikulang “Lola” sa 6th Dubai International Film Festival.

  2. Manny Pacquiao – taon-taon na ata nakakasama si Manny sa mga Newsmakers of the Year. Sana madaming ganitong Pinoy na hindi nagsasawang magbigay ng karangalan sa ating bansa. Ngayong taong ito, pinataob ni Manny ang dalawa sa pinakamagagaling na boksingero sa mundo. Una dito ay si Ricky Hatton ng Inglatera noong May 2 at sinundan ito ni Miguel Cotto noong November 14. Nasama din si Manny sa listahan ng Forbes Magazine Celebrity 100 (ranked 57th) at sa TIME 100 Most Influential People of 2009. Subalit sa kabila ng mga tagumpay na ito ay hindi nakaligtas si Manny sa mga tsismis. Natsismis siya sa kaniyang leading lady sa pelikulang “Wapakman” na si Krista Ranillo.
  3. Efren Peñaflorida (picture) si Efren ang nagpatunay na hindi mahirap maging isang bayani. Sa kahit maliit na paraan ay maaaring maging isang bayani ang bawat isa sa atin. Hinirang siya ng CNN bilang bayani ng 2009. Si Efren, isang Caviteño, ay nagtayo ng mga klase sa pamamagitan ng kanyang Kariton Education para sa mga batang lansangan na hindi makapag-aral. Sana madami pang Pinoy ang maging katulad ni Kuya Ef.

Showbiz

Hindi-hinding makakaligtas ang mundo ng showbiz sa mga isyu. Maraming mga eskandalong nangyari sa showbiz ngayong taong ito. Pero ganon pa man, madami ding nagpasaya at nagpahalakhak sa atin.

  1. Hayden Kho Jr.

    Carlo J. Caparas – naging kontrobersyal ang paghirang ng mga National Artists ngayong taong ito at isa sa mga pinoprotesta na hindi dapat kasama sa listahan ay si Carlo Caparas. Nakilala si Direk Carlo J dahil sa kanyang mga massacre movies na sumikat noong 90’s. Siya din ang lumikha sa ilang mga characters sa comics na sina Bakekang at Captain Barbel. Hindi daw siya dapat parangalan bilang National Artist sapagkat dinagdag lamang siya sa listahan ng pangulo. Si Carlo Caparas ay isa sa mga sumusuporta kay GMA. Nakaabot pa sa korte suprema ang isyung ito kung saan pinatigil muna ng korte ang pagpaparangal ng National Artists. Ang ilan pa sa mga sinama daw sa listahan na hindi naman nominado ng CCP at NCCA ay sina Cecille Guidote-Alvarez, Francisco Mañosa at Jose “Pitoy” Moreno.

  2. BB Gandanghari-January 15 nang umuwi si Rustom Padilla sa Pilipinas matapos ang tatlong buwang pananatili sa Estados Unidos. Sa NAIA pa lamang ay tahasan na niyang sinabi sa press na “Rustom is dead!” at siya na ngayon si BB Gandanghari. Ang pahayag niyang ito ay gumimbal sa buong showbiz. Matatandaang October 1, 2008 pa unang lumabas sa publiko si BB Gandanghari subalit hindi ito masyado kinagat ng media at ng taumbayan.
  3. Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo– matagal nang bulong-bulungan ang planong pagpapakasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. May nagsabi pa nga na kasal na ang dalawa at nilihim lamang. Hanggang noong umaga ng April 28, sumambulat sa mga breaking news ang kanilang pagpapakasal sa San Juan de Nepumuceno Church sa San Juan, Batangas. Kakaiba talaga ang kasal nila mula sa mga imbitasyon, lokasyon at mismong seremonya. Nagsimula ang seremonya pasado alas-sais ng umaga at ginanap ang reception sa isang resort sa Batangas. Konti lamang ang imbitadong bisita kaya naman nagkaroon ng part 2 ang kanilang reception sa Maynila.
  4. Krista Ranillo – naging masigla ang showbiz career ni Krista ngayong taong ito. Ang problema na lamang ay ito sa pamamagitan ng isang negatibong bagay. Natsismis si Krista kay Manny Pacquiao. Nagsimula ito sa pagtatambal nila ng dalawa sa pelikulang “Wapakman” na kasali ngayong taong ito sa Metro Manila Film Festival. Sinabi pang nakita silang magkasama ni Manny isang guesting nito sa isang show sa Amerika at gayundin sa mga lakad ni Manny sa Baguio. Nagkaroon pa daw ng kaunting lamat ang relasyon ni Manny sa kanyang asawang si Jinkee dahil sa kontrobersiyang ito. And as of this writing, hindi pa nagsasalita o nililinaw si Krista ang isyung ito.
  5. Amanda Coolley Van Cooll – naging madrama ang 2nd season ng Survivor Philippines. Tatlong babae ang pinagpilian para sa titulong Sole Survivor. At napagwagian nga ito ni Amanda. Maraming murahan ang nadinig sa pagitan ng mga survivors pero sa bandang huli ay humingi naman sila ng patawad sa isa’t isa.
  6. Melason – inaabangan gabi-gabi ang bawat episode ng Pinoy Big Brother: Double Up lalo na ang loveteam nina Melisa Cantiveros o Melai at Jason Francisco. Maraming kinikilig sa kanilang pagtitinginan sa loob ng bahay. Maraming hindi makapaniwala sa pagkakasundo ng isang babaeng kengkay at isang bad boy. May mga nagsasabi na parang hindi totooo ang feelings ni Jason for Melisa. Pero hindi natin alam hangga’t hindi pa natatapos ang teleserye ng totoong buhay. Medyo matatagalan pa ang pagtatapos ng Big Brother. Doon sila nakatakdang magdiwang ng Pasko at Bagong Taon pati pa ata Valentine’s.
  7. Mommy Dionesia Pacquiao – bukod kay Manny isa pang Pacquiao ang gumuhit sa daigdig ng showbiz. Madaming natuwa kay Mommy D. Madami ding nainis. Natural-born comedienne daw kasi itong si Mommy D. Kaya naman kinuha siya ng Star Cinema para makasama ni Erap sa kanyang comeback movie at naging hit naman ito-“Ang Tanging Pamilya” kung saan siya gumanap na ina ni Sam Milby. Andyan ding ilagay ang mukha ni Mommy D sa iba’t ibang mga katawan at ipost ang mga ito sa Facebook. Iba din talaga itong si Mommy D. It’s either you hate her or you love her. Nothing in between!
  8. Hayden Kho Jr. (picture)May 2009 nang sumambulat sa internet at sa mga cellphone ang sex video ni Hayden Kho kasama ang iba’t ibang sikat na artista at modelo. May mga pagkakataon na nirecord ni Hayden Kho mismo ang mga video pero hindi naman daw niya intensyon na ikalat ito at ipakita sa ibang tao. Kaya lamang ito kumalat ay dahil sa kanyang mga kaibigan na inutusan diumano ni Vicky Belo na buksan ang bahay ni Hayden at kunin ang hard drive ng kanyang laptop. Doon daw nagsimula ang pagkalat ng mga videos. Isa mga artistang sangkot ay si Katrina Halili, na nagsampa pa ng iba’t ibang kaso. Kasama na dito ang pagkakatanggal ng lisensya ni Hayden Kho sa pagkadoktor. Kabaligtaran naman ni Katrina si Maricar Reyes na isa din sa mga babae sa video. Hindi nagsampa ng kaso si Maricar at nanahimik na lamang ito. Bigla naman ang pag-angat ng showbiz career ni Maricar na hindi natin maitatanggi na dahil sa eskandalong ito. Umabot pa sa Senado at Department of Justice ang kasong ito. Nabalita ding nagtangka ulit magpakamatay ni Hayden dahil sa isyung ito na pinabulaan naman ni Hayden. Ang malungkot dito, hanggang ngayon ay may nakikita pa din akong kopya ng mga sex videos na ito.

Pulitika

Kelan pa ba nakaligtas ang mundo ng pulitika sa mga isyu. Sinasabing madumi ang pulitika sa Pilipinas. Kahit ganon pa man madami pa din ang nangangarap pumasok sa larangang ito.

  1. Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III

    Gloria Macapagal-Arroyo – wala na atang taon na nakaligtas ang pangulo sa mga isyu. At waring ang taong ito ay hindi na bago para sa kanya. Bumagsak nang bumagsak ang popularity rating ni GMA. Madami nang tao ang ayaw sa kanya. Pero ang inaakala nilang huling taon ni GMA sa pamahalaan ay waring hindi pa pala. Kakandito si GMA sa halalan sa 2010 bilang kinatawan ng kanyang distrito sa Pampanga. Kaya daw pala kaliwa’t kanan ang pagbisita niya sa kanyang distrito ng mga nakaraang buwan. Hindi din nakaligtas ang pagbisita niya sa ibang bansa. Naging isyu ang pagkain niya sa mga mamahaling restaurant sa Amerika sa kabila ng kahirapan ng ating mga kababayan at sa kabila din ng pagluluksa ng sambayanan sa pagpanaw ng dating Pangulong Cory Aquino. Abangan na lang natin sa 2010 kung masusundan pa ang kabanata ng buhay-pulitika ni GMA.

  2. Mar Roxas – maraming pumuri sa pag-atras ni Mar sa laban sa pampanguluhan para magbigay sa kandidatura ni Noynoy Aquino. Sino din ang makakalimot sa pag-aanunsiyo ng kanilang kasal ni Korina Sanchez sa programang Wowowee? Lalong hindi malilimot ng sambayanan ang kanilang kasal sa Sto. Domingo Church sa Quezon City. Madaming nagsasabi na gimik lamang ang kanilang relasyon ni Korina Sanchez. Ang sa akin lang, napakamahal na gimik naman ito at umabot pa sa engrandeng kasalanan. Sa tingin ko naman ay nagmamahalan talaga sila ni Korina.
  3. Maguindanao Massacre Victims– Umaga ng November 23 ng nagimbal ang buong Pilipinas sa balita ng pagmassacre sa 57 katao sa Amputan, Maguindanao. Pinagbabaril diumano ng mga private armies ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. ang convoy ng makakalaban niya sa pagkagubernador ng Maguindanao na si Esmael Mangudadatu. Kabilang sa convoy na ito ang ilang mamamahayag, abugado, asawa at kapati ni Esmael Mangudadatu at iba pang nadamay lamang sa insidente. Naging mitsa ito a pagdedeklara ng pangulo ng Batas Militar sa lalawigan upang arestuhin ang ilan sa mga Amputan at makakuha pa ng ilang ebidensya na makakatulong sa pagresolba ng krimen. Dahil sa karumal-dumal na krimeng ito, tinaguruian ang Pilipinas na pinakadelikadong bansa para sa mga mamamahayag na dati ay pumapangalawa lamang sa bansang Iraq.
  4. NoyNoy Aquino (picture) – nang mamatay ang kaniyang butihin ina na si dating Pangulong Cory Aquino, ayaw tumakbo ni Noynoy sa pagka-Pangulo. Hanggang lumakas ang panawagan ng sambayan na nag-uudyok sa kanya upang tumakbo. Hanggang noong September 9, sa ikaapatnapung araw ng pagkamatay ng kanyang ina, inanunsyo na ni Noynoy na tinatanggap niya ang hamon na maging Pangulo ng Pilipinas at tatakbo sa halalan sa susunod na taon.  Nabunyag din ang kanyang relasyon sa kanyang girlfriend na si Valenzuela councilor Shalani Soledad. Subalit nakapakapribado nila at laging umiiwas na pag-usapan ang kanilang relasyon. Hindi mawawala ang kanyang mga kritiko. Naroong sinasabi na nagtatago lamang si Noynoy sa anino ng kanyang mga magulang at dala lamang siya ng popularidad ng kanyang nakababatang kapatid na si Kris Aquino. Marami ding inilabas na isyu ang kampo ng kanyang mga kalaban. Pero kahit ganoon pa man ay namamayagpag pa din si Noynoy sa mga ratings at waring pinapakain ng alikabok ang kanyang mga kalaban.

Mga Trahedya

Ilang mga bagyo ang nanalasa sa bansa ng 2009. Ito na siguro isa sa mga pinahindi makakalimutang taon dahil sa mga trahedya.

  1. Rescuer during Typhoon Ondoy

    Ang mga Pinoy – hindi nagpatalo ang mga Pinoy sa mga trahedyang naganap sa ating bansa. September 24 nang pumasok ang Bagyong Ondoy sa Pilipinas. Higit na sinalanta nito ang Metro Manila sa pamamagitan ng malawakang pagbaha. Ilang araw pagkatapos ng Ondoy, nanalanta naman sa bahaging Hilaga ng bansa ang Bagyong Pepeng. Ilang mga pamilya ang namalagi sa mga evacuation centers. Maging sa kasalukuyan ay may ilang lugar pa din na lubog sa baha. Sa kasalukuyan naman ay nag-aalboroto ang isa sa pinaka-aktibong bulkan sa Pilipinas, ang Bulkang Mayon. Dito napatunayan na sa kabila ng mga bagyo at pagsabog ng bulkan, ang mga Pinoy ay matatapang at masisigasig sa pag-ahon para harapin ang panibagong bukas. Na sa kabila ng kamatayan, ang mga Pinoy ay muling tatayo upang patunayan sa mundo ang ating lakas gayundin ang ating ating pagkakaisa. Walang Ondoy, Pepeng at pagsabog ng bulkan ang makakapagpataob sa lahing Pinoy.

Mga Pagpanaw

Ilang mga personalidad ang nagpaluha sa atin ngayong taong ito dahil sa kanilang pagyao. Lahat sila ay nag-iwan ng tatak sa ating mga puso. Sa kabila ng kanilang paglisan ay hindi mawawala ang kontribusyong iniwan nila para sa buong sambayanan.

  1. Corazon Aquino (January 25, 1933-August 1, 2009)

    Francis Magalona – March 6 nang unang inanunsyo sa programang Eat Bulaga ang pagyao ni Francis Magalona ang tinaguriang King of Rap ng Pilipinas. Ilang taong ding nakipaglaban sa Kiko sa sakit na Leukemia. Naulila ni Kiko ang kanyang asawa na si Pia at ang kanilang walong anak. Namatay si Kiko sa edad na 44.

  2. Johnny Delgado – madaming nagulat sa pagpanaw ng beteranong aktor na si Johnny Delgado o Juan Marasigan Feleo sa totoong buhay noong November 9 sa edad na 61. Sakit na Lymphoma ang ikinamatay ng aktor. Naiwan ni Johnny ang kanyang asawang si Laurice Guillen, isang batikang direktor at ang kanilang dalawang anak.
  3. Douglas Quijano – tinatawag na Tito Dougs sa mundo ng showbiz, namayapa ang talent manager noong June 13 sa edad na 64. Tinagurian siyang star builder dahil karamihan sa kanyang mga talents ay sikat katulad nina Richard Gomez, John Estrada, Joey Marquez, Gelli de Belen at Anjo Yllana. Siya din ang nagpasikat kina Tirso Cruz III at Aga Muhlach.
  4. Eraño Manalo – nagluksa ang buong Iglesia ni Cristo dahil sa pagpanaw ng kanilang Executive Minister na si Ka Erdy noong August 31, 2009 sa edad na 84. Siya ay naging instrumental sa pagpapalago ng Iglesia at pagkakaroon nito ng mga kasapi sa labas ng bansa. Matatandang ideneklara ni Pangulong Arroyo ang September 7, araw ng libing ni Ka Erdy, bilang National Day of Mourning.
  5. Yaya Luring – si Yaya Luring (Loreta Benitez) na ata ang pinakasikat na yaya sa buong Pilipinas. Siya ay tinaguriang Mega Yaya sapagkat siya ang yaya ng Megastar na si Sharon Cuneta. Iniwan na ni Yaya Luring ang kanyang alagang si Sharon dahil sa cardiac arrest.
  6. Corazon Aquino (picture)hindi lamang buong Pilipinas kundi buong mundo ang nagluksa sa pagpanaw ng “Simbolo ng Demokrasya” ng ating bansa. March 24, 2008 inanunsyo ng mga Aquino sa buong sambayanang Pilipino ang pagkakatuklas ng sakit na colon cancer kay Tita Cory. Madami ang nagdasal para sa ikagagaling ng dating pangulo. Naalala ko pa ang mga panawagan sa Facebook at Twitter para magdasal para sa kanya. Hanggang sa umaga ng August 1, 2009 tuluyan nang kinuha ng Lumikha ang minamahal nating pangulo. Libo-libo ang nakiramay at pumila ng ilang oras para lamang mamasdan ang mga labi ng dating pangulo kahit saglit lamang. Walong oras ding tumagal ang paghahatid sa mga labi ni Tita Cory mula Manila Cathedral hanggang sa kanyang huling hantugan sa Manila Memorial Park sa Parañaque. Hindi din makakalimutan ang apat na honor guards na hindi natinag sa kanilang pagkakatayo para mabantayan ang mga labi ng dating pangulo. Hindi talaga matatawaran ang ginawang kontribusyon ni Tita Cory para sa sambayanang Pilipino. Kaya nararapat lamang na isabuhay natin ang kanyang mga pangaral. Nawa ay habang-buhay manatili si Tita Cory at ang diwa ng EDSA sa ating mga puso.

Sa pangkalahatan, naging maganda ang 2009. Maaaring hindi lahat ay sumang-ayon dito. Subalit, ang 2009 ang nagbigay sa ating mga Pinoy ng pag-asa. Pag-asa na nawa sa pagsapit ng susunod na taon ay maging mas maliwanag ang kinabukasan ng bawat isa sa atin.

Let’s hope for a better 2010!

One comment

  1. ang spg nio



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: