h1

Miss Gibraltar is Miss World 2009!

December 13, 2009

“Ang kagandahan ay hindi makikita sa mukha. Ito ay liwanag na nagmumula sa puso”

Si Kaiane Aldorino (picture) ng Gibraltar ang nanalo bilang Miss World 2009 na ginanap sa Johannesburg, South Africa.  Tama ang prediction ko (Please see my previous post). Tinalo n’ya ang 111 pinakamagagandang babae sa mundo ngayon.

This is the first time na nanalo ang Gibraltar sa Miss World at sa kahit anong international pageants. First time din nitong nakasama sa semifinalist. So napakalaking achievement talaga ito for Kaine.

Ito video ng winning moment ni Miss Gibraltar:

Si Perla Beltran ng Mexico ang 1st Princess at si Tatum Keshwar ng host country na South Africa ang 2nd Princess.

“I have no words, I am really happy!” Yan na lamang ang nasabi ng 22 years old na HR Clerk na si Kaiane nung tinanong s’ya kung anong nararamdaman n’ya matapos siyang koronahan.

She actually reminds me of Iza Calzado. Sa bagay may lahi naman kasing Spanish si Iza. At sa mga hindi nakakaalam ang Gibraltar ay nasa ibaba ng mga bansang Spain at Portugal. Pero ang bansang ito ay teritoryo ng Great Britain.

Walang masyadong controversy ang Miss World compared sa mga iba pang beauty pageants. Akala ko nga nakaligtas na ang Miss World ngayon sa controversy until may nabasa ako sa internet. First, meron daw isang Asian delegate na naforce mag-weewee sa isang container ng ayaw ihinto ng driver ang bus. Second, hindi daw talaga totoong na-injured ang Miss India. Finake lang daw n’ya ang injury. Bakit kaya? At ang mga nakakagulantang na issue na umabot pa sa demandahan-miyembro daw ng isang kulto si Miss Indonesia. Ang ang huli pang issue, gumastos ng $90M ang Johannesburg para sa Miss World. Masyado daw itong malaki. Binigay na lang daw sana sa mahihirap ang pera. Tingnan natin kung makakaligtas sa controversies ang pageant na ito next year. Sa tingin, meron pa ding lalabas na ganitong issues lalo na’t sa isang Asian country ito gaganapin. Gaganapin ang Miss World 2010 sa Vietnam.

Ang dalawa sa pinakasikat na beauty pageants website na alam ko, si Miss Barbados ang hinulaan nilang mananalo sa taong ito. Pero hindi naman nakasama man lamang sa finalists ang Barbados. Hindi ko naman sinasabi na mas magaling ako sa kanila or expert na ako sa mga beauty pageants. Siguro may kanya-kanya lang talaga tayong choices.

Kung icocompare nga lang sa mga awards night mas magaling ako pumili ng mananalo sa beauty pageants. 68.75% ang tama sa mga picks ko for semifinalists sa Miss World 2009 at nakuha ko pang tama ang nanalo at 1st runner-up.

Ito ang complete results ng Miss World 2009:

Miss World 2009 – Kaiane Aldorino (Gibraltar)

1st Runner-up – Perla Beltran (Mexico)

2nd Runner-up – Tatum Keshwar (South Africa)

Finalists:

Lena Ma (Canada)

Daniela Ramos (Colombia)

Chloe Mortaud (France)

Nadege Herrera (Panama)

Semifinalists:

Luciana Bertolini (Brazil)

Pooja Chopra (India)

Eruza Sasaki (Japan)

Dina Nuraliyeva (Kazakhstan)

Kim Joo-ri (Korea)

Ingride Littre (Martinique)

Anna Jamroz (Poland)

Mariatu Kargbo (Sierra Leone)

Tran Thi Hurong Giang (Vietnam)

Continental Queens of Beauty:

Africa – Tatum Keshwar (South Africa)

Americas – Perla Beltran (Mexico)

Asia & Ocenia – Tran Thi Hurong Giang (Vietnam)

Carribean – Ingrid Littre (Martinique)

Europe – Kaiane Aldorino (Gibraltar)

Congratulations Kaiane!

2 comments

  1. Wala atang venezuela ngayon. Mukhang sa Miss Universe lang sila umuubra hehe.


    • I agree Tito Boy. Pero nakalima na din sila sa Miss World (ang last eh nung 1995). Tama na siguro sila. Nakakasawa na din yung mga itsura nila. Ang hinahanap kasi ng MW is someone fresh at natural. Balita ko nga magreretire na si Osmel Sousa (national director ng Miss Venezuela pageant). Kasi ang gusto lang daw n’ya is to see a Venezuelan crown another Venezuelan in Miss Universe. Si Stella Marquez kaya kelan magreretire?! hehe…

      Thanks for the comment!



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: