h1

Malapit na pala ang Pasko…ano ang wish mo?

December 2, 2009

“Ang Pasko ay hindi lamang pagbubukas ng regalo kundi pagbubukas din ng ating mga puso.”

Kahapon, nakita kong nagdodrawing sa isang sulok ang aking walong taong inaanak. Pinabayaan ko lang s’ya sa kaniyang pagdrawing hanggang sa s’ya ay matapos.

Noong simula, hindi ko pa alam kung ano ang kanyang ginagawa. Hindi ko na lamang pinakailaman. Hinayaan ko lang s’ya. Hanggang iniwan n’ya ang kanyang ginuhit sa tabi ng piano.

Iniscan ko sa computer ang kaniyang drawing. At ito iyon…

Naisip ko tuloy. Malapit na nga ang Pasko. Pati ang mga bata sabik na sabik na sa pagsapit ng araw na ito.  Kung tayong mga nakatatanda, nakakalimutan natin ang pagsapit ng Pasko. Para sa mga bata ito ang pinakahihintay nilang araw.

Totoo nga na ang Pasko ay para sa mga bata. Naalala ko tuloy noong bata pa ako. Kailangan pa namin pumunta ng mall ilang araw bago sumapit ang Pasko para bumili ng mga damit para isuot sa mismong araw na ito. Kailangan bagong-bago ang isusuot mo dahil sa araw na ito ay pupunta kami sa bahay ng aming mga ninong at ninang pati iba naming kamag-anak para humingi nga mga regalo at aginaldo.

Napansin ko din sa drawing ng aking inaanak ay ang puso na nasa Christmas Tree. Marahil ay nais n’yang ipaalam sa lahat na ang Pasko ay nasa puso nating lahat. At ang kailangan lamang  ay ibahagi natin ito sa bawat isa sa atin. Para na din sa kasiyahan natin at para sa kinabukasan ng mga bata.

Ako. Marami sana akong gustong hilingin para ngayong Pasko. Gaya ng bagong laptop. Magandang camera. Mga bagong damit. Free trip sa Boracay. Pero hindi ko pa naman kailangan ang mga ito. Ang mahalaga na lamang siguro ay ang pagkain natin sa araw-araw. Isasama ko na din ang katarungan para mga nangangailangan nito. At ang pagkakaisa nating mga Pinoy.

Ikaw. Kung may hiling ka ngayong Pasko, ano ito at bakit? (Isulat lamang sa comment ang inyong mga hiling)

Advance Merry Christmas!

One comment

  1. Kapayapaan, hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao massacre at masayang kapaskuhan para sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo.



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: