h1

Ang Paghahanap Sa Nawawala Kong PSP

December 1, 2009

“Ang buhay ay laro na dapat laruin ayon sa alituntunin.”

Kanina, inumaga na ako sa pag-iinternet. Around 4am na ako natapos. At dahil matutulog na ako, hinanap ko ang aking PSP (picture). Isa ang aking PSP sa kinakailangan ko para makatulog.  Hindi ako makakatulog pag wala ito. Naglalaro kasi ako ng scrabble dito para antukin ako. Pero ang masama nito…hindi ko s’ya mahanap. Hindi ako makakapagscrabble… Hindi ako makakatulog…

Importante sa akin ang PSP na ito. Napanalunan ko ito sa isang raffle sa dati kong trabaho. Hindi naman talaga ako mahilig sa mga laro dito. Lalo na yung mga violent na laro. Never pa din ako nakapaglaro ng PSP Games bago ko nakuha ang PSP na ito.

Nasa taxi kami noon ng isa mga matalik kong kaibigan. Papunta na kami dun sa event ng trabaho namin. Isang malaking event ito. Lahat ng mga officemates ko na umaabot ng 1,000 ay umattend dito. Pati ang mga bigatin naming bosses na galing pa sa ibang bansa. So malaki talaga ang mga papremyo.

Habang nasa taxi kami, sabi ko sa friend ko, “Alam mo kahit PSP lang ang makuha ko sa raffle masaya na ako.” Kabilang din kami sa mga organizers ng event na ito. Malaki talaga ang hirap namin dito. So sabi ko sa sarili ko dapat may makuha man lang ako. Nang makarating kami sa venue, malapit iyon sa Mall of Asia dumiretso na agad kami sa dressing room para mag-ayos na. Andun na din yung iba pa naming kasamahan. Sabi ko sa kanila, “Pag nakuha ko yang PSP, hindi-hindi ko yan lalagyan ng mga games na may violence.” Natatawa na lamang sila.

Ako ang naka-assign sa audio visual presentation at music. So parang ako ang director ng program na ito. Andun ako sa pinakalikod ng hall. Nawala na sa isip ko ang raffle. Kasi madami na napamigay pero hindi pa din ako natatawag. Hanggang sa bubunutin na ang mananalo ng PSP. Napatayo na ako sa aking kinauupuan. Nilagay ko ang aking kamay sa aking bulsa at nagcross ng fingers. Hanggang tinawag ang number ng ticket ko. Napasigaw ako, “Shit! That’s me!” Pero wala nakadinig sa lakas ng audio sa venue. Napatakbo talaga ako sa gitna ng hall. Talo ko pa si Lydia de Vega sa bilis. Ewan ko kung may nakapansin sa akin. Pero wala na akong pakialam. Parang nawala ako sa sarili ko noon. Nagpunta ako para iclaim ang prize. Natawa ang mga kasamahan kong organizers. Yung iba niyakap ako kasi alam nilang winish ko ito. Sabi pa nung isa naming team lead, “Alam mo blessed ka!” Hinihingal pa ako dahil sa aking pagtakbo. At nahihiya na akong bumalik sa director’s booth. Natatawa ako sa sarili ko.

Tayong mga Pinoy talaga, sa hirap ng buhay. Masaya na kapag nanalo sa raffle. Yung iba talagang pumipila ng mahaba para subukan ang swerte. Nangangarap tayong kahit papaano ay maibsan ang hirap natin.

Sabi nila maswerte daw talaga ako sa mga raffles. Kasi sa tuwing may raffle, may nakukuha ako. Hindi ko alam kung totoo ito kasi never ko pa nakuha ang jackpot. Pero salamat kung totoo ito.  Dati din tumama na kami sa lotto pero hindi ang jackpot. Kulang pa ng isang number at ito ay ang araw ng birthday ko. Pinagsama-sama kasi ang birthdays namin magkakapatid. At yung huling number na hinihintay ay ang birthday ko. Pero iba ang lumabas. Sa tingin ko tuloy noon malas ako. Pero salamat na din sa P20,000. Sana mamaya tumama na kami sa lotto. Kasi gusto ko talaga magkapunta kami ng buong pamilya sa Boracay. Masarap sigurong mag-Pasko doon. Subukan natin ang swerto ko…

Mabalik tayo sa paghahanap ko sa aking PSP….

Halos isang oras akong naghahanap sa aking mahal na PSP hanggang nagising ang aking ina. Sinabi ko sa kanya nawawala ang aking PSP. Nataranta din ang nanay ko.

Pinaglalaruan kasi nung mga pinsan kong maliliit ang PSP ko kahapon dito sa bahay. Baka daw kung saan naipatong tapos baka kung sino ang kumuha. Or baka naman nadala nila pag-uwi. Ang bahay nila ay nasa kabilang barangay. So tinext ng nanay ko ang mga tita ko.

Hindi ako nawalan ng pag-asa. Hinanap ko pa rin ang PSP ko. Sa lahat ng sulok. Sa buong paligid ng bahay. Pero wala talaga. Hanggang nagreply ang tita ko. Sabi nila wala daw doon ang PSP. At nagtuturuan ang makukulit at cute kong mga pinsan. Sinubukan ko na lang matulog. Kahit hindi ko magawa.

Sabi ko baka tinatago nung isa ko pang makulit (actually pinakamakulit) na pinsan yung PSP. Madalas dito sa amin ang batang ito. Dito s’ya lumaki sa amin. Kaya lahat ng bagay dito sa bahay feeling n’ya kanya. Babae itong batang ito. Pero talo pa ang lalaki sa kakulitan. Nung isang araw tinago n’ya ang PSP sa ilalim ng mga unan kasi ayaw n’ya ipahiram dun sa ibang mga bata. So sabi naman baka tinago na naman niya.

Ginalugad din ng nanay ko ang buong bahay. Binuksan ang mga bag. Pati mga cabinet. Hanggang sa nakita n’ya ang mahal kong PSP sa cabinet na pinaglalagyan ng damit ng makulit kong pinsan. Kinuha ko ang PSP. Napangiti na ako. Naglaro na ako ng scrabble at maya-maya ay nakatulog na ako.

Natutunan ko sa sa pangyayaring ito na mahilig talaga tayong mga Pinoy magpahalaga sa gamit natin. Lalo na din pag mahal ang gamit. Mahirap kasing palitan. Pakiramdam natin may buhay din ito na kailangan nating ingatan. Halos isang taon na din sa akin ang PSP na ito. Kahit hindi ko ito binili, mahalaga pa din s’ya sa akin. Katabi ko sa pagtulog. Kalaro ko kapag ako ay naiinip. At minsan kasama ko pa sa paliligo. Pag naliligo kasi ako kelangan may music. Siguro kung makakapagsalita lamang s’ya, pati mga sikreto ko alam n’ya. Buti na lang tahimik s’ya.

Case closed!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: