Archive for January, 2010
January 30, 2010
“Tayo ay pelikula. At ang pelikula ay tayo.”
Kagabi, napanood ko ang pelikulang Temptation Island (original poster). Ito ang unang pagkakataon na napanood ko ang pelikulang ito. Sa mga hindi nakakalaam, ang pelikulang ito ay ipinalabas noong 1980 (July 4, 1980 to be exact). It was directed by Joey Gosiengfiao and produced by Regal Films. Hindi pa ako ipinipapanganak noong ipinalabas ito pero lagi ko na ito naririnig.
Ang pelikulang ito ay tungkol sa apat na finalists ng “Miss Manila Sunshine Beauty Pageant” na napadpad sa isang isla matapos masunog ang sinasakyan nilang barko. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong ka-deserted na isla sa TV. Read the rest of this entry ?
Posted in Culture, Entertainment, Filipino Customs, Humor, Movies, Television | Tagged Dina Bonnevie, Temptation Island | Leave a Comment »
January 29, 2010
“Ang ating mundo ay nagbabago dahil sa teknolohiya”
Nung una akong nabasa ang tungkol sa iPad (picture) akala ko nagbibiro lamang sila. Akala ko kasi minali lamang ang spelling ng iPod. Akala ko pa bagong mp3/mp4 player nang makita ko ang larawan sa internet. Hindi pala. Isa pala siyang tablet computer na ginawa ng Apple. Pantapat siguro nila sa HP Slate na nilabas ng HP ilang linggo ang nakakaraan. Read the rest of this entry ?
Posted in Internet, Technology | Tagged Apple, iPad | Leave a Comment »
January 28, 2010
“Dalawang kaluluwa na iisa ang isipan. Dalawang puso na iisa ang tibok.”

Ang simbahan kung saan ginanap ang simpleng kasal
Kamakailan sinamahan ko ang aking mga magulang upang maging ninong at ninang sa kasal ng anak ng isa naming kasambahay. Sanay na ako sa pagsama sa mga ganitong okasyon. Natawid na namin ang ilog, dagat at bundok para lamang samahan ang aking mga magulang para mag-anak sa kasal.
Simple lamang ang buhay ng aming kasambahay. Read the rest of this entry ?
Posted in Blog, Celebrations, Events, Family, Filipino Customs, Wedding | Tagged Kasal, Wedding | Leave a Comment »
January 27, 2010
“Maaring sumayaw kahit saan. Kahit sa kaibuturan ng puso.”

The Dancing Inmates
Nagpasikat na naman ang Dancing Inmates (picture) ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC). Ito na yata ang pinakabongga nilang performance. This is it!
Madami nang nakapanood ng video nilang ito sa YouTube. Sa huli kong tingin, lagpas nang isang milyon ang hits ng video na ito sa loob lamang ng isang araw matapos itong ipost. Madaming nagtext sa akin at nagcomment sa video na ito nang ipinost ko ito sa aking Facebook account. Read the rest of this entry ?
Posted in Dance, Entertainment, Events, Internet, Music, News, Random, Television | Tagged Cebu, Cebu Dancing Inmates, Dancing Imates, Michael Jackson, This Is It, Travis Payne | Leave a Comment »
January 18, 2010

Ribbon for Haiti
“Maglakas-loob na ipasok ang iyong kamay sa dilim upang batakin ang isang kamay sa liwanag.” Read the rest of this entry ?
Posted in Blog, Disaster, Events, Life, News, Random, Tragedy | Tagged 2010 Haiti Earthquake, Haiti, Help Haiti Ribbon, ribbon, Ribbon for Haiti | Leave a Comment »
January 18, 2010
“Ang pagkakamit ng karangalan ng iba ay nangangahulugang makakamit din ito ng iba.”
Ang 67th Golden Globes ay ginanap sa Beverly Hilton Hotel sa Beverly Hills, California.
Si Martin Scorsese ang ginawaran ng Cecile B. DeMille Award for Lifetime Achievement in Motion Pictures.
I only got 32%! Pero choices ko naman yun…Di naman talaga ako kagalingan sa panghuhula ng mananalo sa mga awards night.
Here are this year’s winners: Read the rest of this entry ?
Posted in Award, Celebrations, Entertainment, Events, Movies, Television | Tagged 67th Golden Globe Winners, Golden Globes 2010, golden globes red carpet, red carpet | Leave a Comment »
January 14, 2010
“Ito ang tanong ng buhay: Ano ang magagawa mo para sa iyong kapwa?”

Flag of Haiti
Isang nakapipinsalang lindol ang yumanig sa bansang Haiti noong January 12, 2010 bandang ikalima ng hapon (6AM, January 13 MNL Time). Ang lindol ay may lakas 7.0 magnitude at sumentro 15 kilometro malapit sa kabisera nitong Port-au-Prince.
Ayon sa International Red Cross, tinatayang 3 milyong tao ang naapektuhan ng pagyanig at humigit-kumulang sa 100,000 ang namatay.
Madaming gusali ang nawasak sa pagyanig. Kabilang dito ang Presidential Palace, National Assembly at maging ang Cathedral ng Port-au-Prince.
Saan nga ba ang Haiti? Read the rest of this entry ?
Posted in Disaster, Events, Life, News, Tragedy | Tagged 2010 Haiti Earthquake, Haiti, Haiti Earthquake | Leave a Comment »
January 14, 2010

“Huwag magsalita ng pagkatalo. Gamitin ang mga salitang pag-asa, paniniwala, pananalig at tagumpay.”
Sa January 17 gaganapin ang isa sa pinakahihintay na award ceremonies sa Hollywood-ang Golden Globes (poster). Ito ang ika-67 taon ng parangal. Si Martin Scorsese, isang batikang direktor, ang gagawaran ng Cecil B. DeMille Lifetime Achievement Award para sa kanyang kontribusyon sa pelikula. Si Ricky Gervais ng programang The Office ang magiging host ngayong taong ito. Read the rest of this entry ?
Posted in Award, Celebrations, Culture, Entertainment, Events, Movies, Television | Tagged 67th Golden Globe Awards, Awards, Golden Globes | Leave a Comment »
January 8, 2010
“Musika ang tunog ng damdamin.”
Kanina, wala na naman ako magawa. So, nanood na naman ako ng mga videos sa YouTube. Classical music naman ang pinagkaabalahan ko. Hanggang sa nakita ko ang isang version ng Nessun Dorma.
Ano nga ba ang Nessun Dorma?
Sabi sa wikipedia, ang Nessun Dorma ay isang awit mula sa opera ni Giacomo Puccini na may pamagat na “Turandot” (poster). Ito ay isa sa pinakakilalang inaawit ng mga tenor.
Ito ang lyrics ng Nessun Dorma: Read the rest of this entry ?
Posted in Blog, Internet, Music, Television | Tagged Classical Music, Lani Misalucha, Nessun Dorma, Nessun Dorma Covers, Opera | 1 Comment »